Kilala mo ba Si Rizal?
Gaano nga ba natin kakilala si Jose Rizal? Si Rizal na siyang ating itinuturing na pambansang bayani? Si Rizal na siyang palaging laman ng ating mga asignaturang pang kultura, kasyasayan at heograpiya? Si Rizal na nagbuwis ng kaniyang sariling buhay para sa kalayaan ng ating bansa?
Marahil marami sa atin ay
mababaw lamang ang pagkakakilala sa ating magiting na bayani. Ang ilan ay alam
lamang ang kaniyang sakripisyong ginawa para sa bayan. Naalala nila ang
kagitingan ng ating pambansang bayani sa tuwing nagagawi sa Lungsod ng Maynila,
partikular sa tapat ng kaniyang matayog na rebulto. Bukod sa pagpapaka bayani,
Sino nga ba si Rizal?
Isang lakbay aral ang aming
ginawa sa Lungsod ng Maynila upang mas makilala ang ating pambansang bayani.
Pinuntahan namin ang ilan sa mga lugar na may marka ng kasaysayan ng buhay ni
Rizal.
- Fort Santiago
Ang “Fuerte De Santiago” o sa tagalog “Moog ng Santiago” na
mas kilala sa tawag na “Fort Santiago” sa kasalukuyan ay matatagpuan sa loob ng
tinatawag nilang “The Walled City”, ang Intramuros. Ang Intramuros, salitang
espanyol na may kahulugang “Within the walls” ay ang pinakamatagal ng distrito
at Historic core ng Lungsod ng Manynila. Ang intramuros ang nagsilbing opisyal
na tanggapan ng pambansang pamahalaan sa panahon ng mga kastila. Ang mga lugar
naman sa labas ng pader ay tinawag na “Extramuros.”
Ang Fort Santiago ay kilala ngayon bilang isa sa mga
dinarayong pook-pasyalan sa Maynila. Kakaiba ang lugar na ito dahil makikita mo
rito ang aktwal na arkitekto ng mga gusali noong panahon ng pananakop ng mga
Espanyol. Mapapansing nakalahad rin sa parke ang iba’t-ibang eksenang inukit na
nagpapakita ng mga pahapyaw na pangyayari noong panahon ng mga kastila.
Makikita rin sa Fort Santiago ang mahalagang kasaysayang
sinapit ng mga pilipino noong panahon ng mga kastila. Masisislayan din sa Fort
Santiago ang pagkakapiit ni Jose Rizal noong 1896. Makikita ang metal na paa,
kung saan sumisimbolo sa huling paglalakd ni Rizal mula sa kaniyang piitan.
Sa loob ng kaniyang piitan ay makikita ang isang estatwa
na inukit mula sa kaniyang itsura at mula sa kaniyang aktwal na laki at taas.
Sa kanang bahagi ng kaniyang kulungan ay makikita ang
lagusan patungo sa tabi ng ilog Pasig na siyang naging sentro ng kalakal ng mga
intsik sa loob ng Intramuros.
Para sa amin, sulit na marating namin ang Fort Santiago
matapos ang mahaba-habang paglalakad mula sa Luneta. Bagama’t masakit sa paa,
masaya pa rin kami, bukod kase sa may natututunan na kami sa aming paglalakbay,
nahahaluan pa namin ito ng karagdagang “bonding” ng aming pangkat.
- Dating Kinatatayuan ng Ateneo Municipal De Manila
Si Jose Rizal ay minsan na ring naging estudyante ng isa sa pinakamatagal na unibersidad dito sa ating bansa, ang Ateneo Municipal De Manila o mas kilala sa tawag na " Ateneo De Manila University" sa kasalaukuyan. Ang Ateneo Municipal De Manila ay itinayo noong 1859 ng "Society of Jesus," ang pinakamatandang institusyong pang edukasyon ng mga Heswita.
Nag-aral si Rizal sa Ateneo Municipal De Manila noong 1872 hanggang taong 1877. Noong una ay hindi pinayagang makapasok si Rizal sa Ateneo dahilan sa huli na ito nagpatala at hindi akma ang kaniyang pisikal na katawan sa kaniyang edad. Kalaunan ay nakapasok rin si Jose sa tulong ni Manuel Xerex Burgos, ang pamangkin ni Padre Jose Burgos ng GomBurZa. Dito ay nagkamit si Rizal ng iba't ibang gantimpala dahil sa napakahusay niyang pagsusulat ng mga tula, akda at iba't ibang mga uri ng paglililok.
Mula sa Fort Santiago ay aming nilakad ang General Luna Street patungo sa may bandang likod ng Manila Cathedral kung saan matatagpuan ang dating kinatatayuan ng unibersidad. Habang naglalakad ay mayroon kaming mga nadaanang mga litrato ng dating mga kwartel ng espanya. Nakasulat ang bawat kasaysayan ng kwartel sa pader ng isang lumang gusali sa daan patungong Ateneo.
Ang Ateneo Municipal De Manila ay isa na lamang abandonadong gusali na mayroong tagapangalaga. Mayroong "Historical Marker" na matatagpuan sa tapat ng unibersidad na siyang nagbibigay impormasyon tungkol sa dating paaralan. Sa kasalukuyan, nailipat na ang Unibersidad ng Ateneo sa Diliman, Quezon City.
Ang Unibersidad ng Santo Tomas ay dating matatagpuan sa loob ng Intramuros. Ito ang ikalawang unibersidad na pinasukan ni Gat Jose Rizal mula taong 1882 hanggang 1887. Sa unibersidad na ito siya kumuha ng kursong Pilosopiya at Literatura. Nakilahok at nagkamit ng gantimapala si Rizal sa ilang piling mga patimpalak sa eskwelahan kung saan nilahukan ng kapwa pilipino at mga espanyol.
Hindi naging madali ang buhay ni Rizal sa UST dahil ramdam niya dito ang pagkamapagmataas ng mga espanyol. Nakita niya rito ang pangmamaliit sa mga pilipinong tulad niya na itinuturing nilang Indio. Dahil dito, hindi naging maganda ang pag-aaral ni Rizal. Sa huling taon ni Rizal ay kinuha niya ang kursong medisina at nakapagtapos.
Mula sa dating kinatitirikan ng Ateneo Municipal De Manila, nilakad namin ang kahabaan ng Sto.Tomas Street upang marating ang dating kinatatayuan ng Unibersidad ng Sto. Tomas. Hindi namin agad nakita ang dating pinagtatayuan o dating gusali subalit aming nakita ang isang "Historical Marker:" na nagsasabing iyon ang dating kinatatayuan ng parke ng Unibersidad. Sa tapat nito ay isang pang-kolehiyong paaralan at isang pang-komersyong gusali.Sa aming pagtatanong, mayroong nakapagsabi sa amin na wala na ang mismong gusali ng Unibersidad at ito'y napalitan na ng panibagong imprastraktura. Naglakad-lakad pa kami at nagbakasakaling marating ang isang palatandaan na iyon na nga ang dating kinatatayuan ng Unibersidad.
Naglakad-lakad pa kami hanggang sa marating ang unahang bahagi ng kulay pink na gusali na may pangalang "BF Condominium." Iyon na pala ang dating kinatatayuan ng Unibersidad na aming hinahanap. Nakita namin ang isang "Historical Marker" sa harap ng gusali at nabasa namin na iyon na nga ang dating kinatatayuan ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Nakalulungkot mang isipin na hindi na masisilayan pang muli ang dating paaralang nagbigay ng kaalaman sa ating bayani, hindi na maiaalis sa ating kasaysayan na minsan ng naging makasaysaayan ang pook na ito.
Ito ang lugar kung saan dating nilitis si Dr. Jose Rizal sa isa mga kaso niya bago siya bitayin. Matatagpuan ito sa Cuartel De Espanya.
Hindi madaling hanapin ang gusaling ito. Ito ang pinakamatagal naming hinanap sa loob ng Intramuros. Mula sa Gen. Luna Street ay dumeretso kami hanggang sa dulo paikot ng Muralla Street at narating ang Pamantasang Lungsod ng Maynila. Nagpatulong kami sa isa sa mga pedicab driver at itinuro niya sa amin kung saan ang aming hinahanap.
Nang marating namin ang aming destinasyon, nabuhayan kami ng loob. Isang magandang tanawin ang aming nasilayan. Mula sa taas ay aming natanaw ang isang makasaysayang lugar sa buhay ng ating pambansang bayani. Makikita mo rito ang uri ng disenyo noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa ating bayan.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pamunuan ng Intramuros ang pangangalaga sa gusali upang mapahalagaan ang makasaysayang pook na ito sa loob ng pinaderang lungsod o ang "Walled City."
Bago pa namin isinagawa ang aming lakbay-aral, lubha na akong nalugod sapagkat isang magandang pagkakataon ang naibigay sa amin upang mapuntahan at mas makilatis pang mabuti ang ating kinikilalang "Pambansang Bayani." Hindi man namin lubos na alam kung paano puntahan ang bawat pook na nakasaad sa blog na ito, ay hindi naging hadlang ito upang hindi na kami matuloy sa lakbay-aral na ito. Sa tulong ng mga taong aming napagtanungan, nakarating naman kami ng maayos at matiwasay.
Kaunting sakripisyo man ang aming ginawa sa paglilibot ng kamaynilaan, masasabi kong sulit ang bawat hakbang na aming inilakad. Sulit ang bawat patak ng pawis na lumabas sa aming mga katawan. Sulit pagkat may natutunan kami, pagkat nasulayapan namin ng personal ang mga minsan nang naging makasaysayan at sulit pagkat nakapagbonding na rin kaming magbabarkada.

- Dating Kinatatayuan ng Unibersidad de Santo Tomas

- Dating Pinaglitisan Kay Dr. Jose Rizal

- Pambansang Museo ng Pilipinas (Gallery V)
Ang Pambansang Museo ng Pilipinas ay ang kalipunan ng mga obra at sining ng mga tanyag at kilalang personalidad sa ating bansa. Kasama rito ang ilan sa mga gawa ng ating pambansang bayani na si Gat Jose Rizal.
Ang Pambansang Museo ay matatagpuan malapit sa Luneta o Rizal Park. Pagpasok mo pa lamang dito ay bubungad na sa iyo ang isang sikat na obra ng babaeng tila anghel na bumaba mula sa kalangitan. Sa gawing kanan naman ang patungo sa Gallery V, ang isang espesyal na silid para sa mga gawa ni Rizal.
Matatagpuan dito ang kaniyang mga nililok mula pa ng siya ay nag-aaral sa Ateneo Municipal De Manila at Unibersidad ng Sto. Tomas. Makikita rin dito ang ilan sa mga naglalakihang larawan ni Rizal.
Pagpasok sa loob ng ikalimang galeriya, bubungad sayo ang iba't ibang mga nililok ni Rizal tulad ng "A mother's Revenge", "Ulo ni Padre Guerrico", at marami pang iba. Sa may gawing kanan, isang napakalaking larawan ni Rizal ang nakasabit sa isang pader. Bukod dito, mayroon ding mga larawan ng kaniyang sarili habang nagsusulat at imahe ng kaniyang pagiging malikhain ang nakapalibot sa silid.
Napakahalagang mapangalaghaan ang mga ganitong uri ng obra at sining dahilan sa minsan lamang dumating sa ating bansa ang ganitong klase ng sining. Isa itong makasaysayang likha na gawa ng isa sa pinkatanyag na personalidad sa ating bansa.
- Dating kinatatayuan ng Bahay ni Higino Francisco (Binondo)
Sinasabing dito itinago ang mga labi ni Rizal matapos itong ilibing sa Paco Cemetery. Itinago ang bangkay ni Rizal upang mapangalagaan at hindi manakaw sa pamilya. Sinasabi kasing may mga taong nais kunin ang bangkay ni Rizal sa hindi malamang kadahilanan kung kaya't minabuti ng pamilya ni Rizal na ilagak na muna sa lugar na ito ang kaniyang mga labi.
Matatagpuan ang lugar kung saan nakatayo ang tahanang ito sa may Binondo, Manila. Sa kasalukuyan, tanging poste na lamang na may marka ang makikita sa lugar dahil sa ito ay na demolish na. Sa isang poste na may palatandaan ng markang X, na nagsasabing ito na marahil ang dating kinatitirikan ng bahay ni Higino Francisco.
Si Don Higino Francisco ay isa sa mga tagahanga ni Rizal dahil sa pagtatangol nito sa bayan. Siya ang naging tagapondo ng mga kilusan laban sa mga Espanyol. Noong mga panahong sinusunog ng mga Kastila ang kopya ng Noli Me Tangere ng mga Pilipino, nakapagtabi si Don Higino ng iilan sa mga kopya nito sa kaniyang bahay.
Nakakalulungkot na madatnan ang isang makasaysayang tahanan ay nasama sa mga giniba para lamang sa isang pang negosyong interes. Nakalulungkot isipin na hindi napahalagahan ang importansya ng kabayanihan ni Don Francisco.
- Paco Cemetery
Ang Paco Cemetery ay ang sementeryo kung saan inilibing si Rizal. Dito inilagak ang mga labi ni Rizal matapos itong bitayin sa Bagumbayan.
Sa kasalukuyan, ay makikita ang isang espasyo sa sementeryo, ang pinaglagakan ng mga labi ni Gat Jose Rizal. Ito ay binakuran, at nilagyan ng krus sa gitna kung saan nakasulat ang taon ng pagkamatay ni Rizal at ang kaniyang maliit na iskulptura sa gawing kaliwa. Makikita rin ang isang historical marker sa tapat ng libingan ni Rizal.
Ngayon, ang Paco Cemetery ay isa ng pook pasyalan. Makikita mo rito ang isang lumang simbahan at ang isang tila sa parkeng damuhan. Maganda at payapa ang lugar. Mainam na pahingahan at pagmumuni-munihan.
Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, narating namin ang Paco Cemetery nang mayroong isang okasyon. Saktong inaayos ang lugar bilang pagdarausan ng kasal. Inihanda nila ang mga bulaklak sa paligid at unti-unting nagdatingan ang mga panauhin sa kasalang magaganap. (Ito'y isa sa mga aming karanasan habang nasa Paco Cemetery)
- Luneta o Rizal Park
Sino ba naman sa atin ang hindi alam ang Luneta o Rizal Park? Marahil, lahat ng Pilipino ay alam at kasama sa pinagaaralan ang makasaysayang pook-pasyalan na ito. Dito isinagawa ang pinaka "Highlight" ng buhay ni Rizal. Dito naganap ang makasaysayang pagbaril sa ating pambansang bayani.
Simple lang ang parke noon na mas pinaganda pa ngayon. Unti-unting nagkaroong ng mga pagbabago sa parke. Nagkaroon ng tulay ang mapang nakalatag sa bungad ng parke, Nagkaroon ng mga palamuti't naglalakihang disenyo sa daanan. Nagkaroon din ng malawak na Water Fountain sa gitnang bahagi na sumasabay ang pagindak ng tubig sa bawat musikang lumalabas sa mga naglalakihang speaker na nakakalat sa paligid nito.
Tampok sa parke ang kwento ng mga pagpapakabayani ni Rizal at ilan pang magigiting na bayani ng bansa tulad nila, Andres Bonifacio, Lapu-lapu, at marami pang iba. Matayog namang nakatayo at nakaharap sa dagat ang mataas na rebulto ni Rizal. Ito ay iginawad upang kilalanin ang kabayanihang taglay ni Rizal upang makamit ang ating kalayaan.
Ito ay halimbawa ng kasalukuyang pagbabago sa nasabing pook-pasyalan. |
Mababanayad mo rin ang kontrobersyal na gusaling itinatayo sa likod ng parke. Kapansin-pansin kasi ang establisyementong ito dahilan upang maging agaw-eksena sa tuwing may kukuha ng litrato sa harap ng monumento ni Rizal. Sa ngayon ay pinagdedebatihan pa rin ang panukalang ipagiba ang gusali.
Aral mula sa Lakbay -Aral.
Mas nakilala pa namin si Rizal sa pamamagitan ng paglalakbay patungo sa mga mahahalagang lugar na may kinalaman sa buhay ni Gat Jose Rizal. Napuntahan namin ang mga lugar na madalas ay nababanggit lamang sa talakayan tuwing nagkaklase ng kasaysayan. Mas lumawak ang aming pagunawa sa mga nangyari sa buhay ni Rizal.
Ang Lakbay aral ay isinagawa upang mas maintindihan ng mga kabataan ngayon ang pagpapakabayaning ginawa ng ating magiting na bayani, na si Dr. Jose Rizal. Dahil sa lakbay-aral na ito, mas nakilala pa natin si Rizal bilang isang estudyante at bilang isang Pilipinong naghahangad ng pantay na karapatan para sa ating lahat na nauwi sa pagbubuwis ng buhay. Repleksyon:
Bago pa namin isinagawa ang aming lakbay-aral, lubha na akong nalugod sapagkat isang magandang pagkakataon ang naibigay sa amin upang mapuntahan at mas makilatis pang mabuti ang ating kinikilalang "Pambansang Bayani." Hindi man namin lubos na alam kung paano puntahan ang bawat pook na nakasaad sa blog na ito, ay hindi naging hadlang ito upang hindi na kami matuloy sa lakbay-aral na ito. Sa tulong ng mga taong aming napagtanungan, nakarating naman kami ng maayos at matiwasay.
Kaunting sakripisyo man ang aming ginawa sa paglilibot ng kamaynilaan, masasabi kong sulit ang bawat hakbang na aming inilakad. Sulit ang bawat patak ng pawis na lumabas sa aming mga katawan. Sulit pagkat may natutunan kami, pagkat nasulayapan namin ng personal ang mga minsan nang naging makasaysayan at sulit pagkat nakapagbonding na rin kaming magbabarkada.
:) GOD BLESS :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento